-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nagbitiw sa puwesto ang chairman ng Kalibo Sr. Niño Ati-Atihan Management Council, Inc. (Kassamaco) halos isang buwan bago ang 2020 Ati-Atihan Festival.

Kinumpirma sa Bombo Radyo ni Kalibo Mayor Emerson Lachica na natanggap na niya ang resignation letter ni Apolonio “Apol” Zaraspe III bilang chairman ng Kassamaco.

Ayon kay Lachica, nakasaad sa resignation letter ni Zaraspe na “effective immediately” ang kanyang pagbaba sa pwesto.

Sa kabila nito tiniyak naman ng alkalde na kahit ano pa ang mangyari “the show must go on” sa nalalapit na Ati-Atihan Festival.

Sa ngayon ang tumatayong officer-in-charge ng Kassamaco ay si Cecille Malapad-Calizo.

Samantala, ipinaliwanag ni Zaraspe na nagpasya siyang mag-resign dahil sa hindi pagsang-ayon sa binuong Kalibo Festival Executive Board (KFEB) ng lokal na pamahalaan na sasapaw lamang umano sa kanilang trabaho.

Naging sakit rin ng ulo ng Kassamaco ang pagkuha ng kanilang accreditation bilang civil society organization sa Sangguniang Bayan ng Kalibo.