Inihayag ng Commission on Elections na aabot sa kabuuang 936 na mga Person Deprived of Liberty mula sa New Bilibid Prison ang inaasahang buboto ngayong Barangay Elections.
Sa isang pahayag , sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia , na mga ito ay pasok sa kwalipikasyon at registered voters sa lungsod ng Muntinlupa.
Ayon sa komisyon, sila hindi pa nabibigyang ng pinal na hatol at nagpapatuloy pa rin ang trial sa kanilang mga kinakaharap na kaso.
Dahil dito ay may karapatan pa rin silang makaboto.
Paliwanag ni Garcia, unang pagkakataon ito na makakabuto ang mga PDL sa Barangay Elections matapos ipagpaliban ang halalan ng BSKE.
Kung maaalala, inalis rin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order sa pagboto ng mga bilanggo sa lokal na halalan.
Nakatakda namang gumawa ang naturang poll body ng mga guidelines sa pagboto ng mga inmate ngayong barangay eleksyon.