-- Advertisements --
Halos kalahati na ng wildfire sa Eaton sa Altadena, California ang naapula na ng mga otoridad.
Ayon sa mga otoridad na mayroong 45 % na ang naapula mula sa 14,117 acres na sunog na nagsimula noong Enero 7.
Kinumpirma rin ng mga otoridad na nasa 16 katao na ang nasawi sa 4,627 na mga istraturang nasunog kabilang ang mga bahay.
Ibinabala naman ng National Weather Services na huwag dapat maging kumpiyansa dahil sa posibilidad na lumaki pa ang apoy bunsod ng malakas na hangin na paparating sa lugar.
Nananatiling nakabantay pa rin ang mga otoridad sa California laban sa mga residente na nagpupumilit na makabalik sa kanilang bahay.
Magugunitang nasa 26 katao na ang nasawi matapos ang 10 araw ng maganap ang sunog.