Iniulat ng Department of Health na halos kalahati ng mga nabiktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon ay pawang mga menor de edad o nasa edad 18 pababa.
Sa pinakahuling datos ng ahensya , sinabi nito na abot na sa 557 FWRI ang kanilang naitala mula December 21,2023 hanggang Enero 3, 2924.
266 na kaso nito o katumbas ng 48% ay pawang mga biktima na wala pa sa 18 taong gulang .
Sa isang pahayag , binanggit ng Health Department na ang ng accessibility ng mga paputok sa ay isa sa posibleng dahilan ng mataas na pinsala sa mga menor de edad.
Batay sa datos, 97 % ng mga naitalang FWRI ay nangyari sa bahay at lansangan.
Inihayag rin ng DOH na kapansin-pansin ang 61% ng kaso ng FWRI ay sanhi ng mga legal na paputok.
Kinabibilangan ito ng Kwitis, Whistle Bomb, Luces, at Fountain.
Sa kabilang banda, ang mga ilegal na paputok, tulad ng 5-star, Pla-pla, at Boga ay nagdulot ng 39 porsyento (216) FWRIs.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamaraming FWRI na may 306, sinundan ng Ilocos Region (55), Central Luzon (42), at Calabarzon (39).
Una rito ang DOH ay nakapagtala ng bagong pinakabatang kaso para sa 2024 New Year revelry, isang 10-buwang gulang na sanggol na lalaki mula sa NCR .
Nasugatan ang kanang mata nito dahil sa kwitis na sinindihan ng isa sa mga kasama nila sa bahay sa pagsalubong sa bagong taon.
Ang pinakabagong kaso ng FWRI ay kinabibilangan ng 111 na bagong pinsala na naitala mula Enero 2 hanggang Enero 3.
Sa mga bagong kaso na ito, 111 (97%) ang nangyari sa bahay at sa mga lansangan.
Napag-alaman rin na ang mayorya (59, 52%) ng mga bagong kaso ay dahil din sa mga legal na paputok.