-- Advertisements --

Papalo sa halos kalahating milyong kabahayan sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila ang nawalan ng kuryente nitong Huwebes ng gabi, Mayo 23, 2024, ayon sa Manila Electric Co. (Meralco).

Sa ulat ng Meralco, nasa 487,000 customers ang naapektuhan ng nangyaring brownout sa nabanggit na araw.

Paliwanag ng nasabing power distributor company, bahagyang nahihirapan sila ngayon na magpatupad ng rotational power interruptions o manual load dropping sa ilang bahagi ng Metro Manila, at mga karatig probinsya nito tulad ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at Pampanga.

Samantala, bagamat hindi naglabas ng red alert ang NGCP nitong Biyernes ay pinaghahandaan pa rin ng Meralco ang publiko partikular na ang mga customer nito hinggil sa posibilidad ng brownout o pagpapatupad ng disconnection mula sa power grid.

Nabatid na nagpapatupad ng manual load dropping ang Meralco sa tuwing naglalabas ng Red alert status ang NGCP upang mapamahalaan ng maayos ang demand ng kuryente sa kanilang mga nasasakupang lugar.