-- Advertisements --

Nasa halos 450,000 na mga Palestino na ang lumikas palabas ng Rafah city dahil sa military operations ng Israel.

Dahil dito ay ikinakabahala ng United Nations agency for Palestinian refugees o UNRWA na mahaharap ang maraming mga mamamyan ng Rafah ng matinding pagod, kagutuman at takot.

Ang panibagong operation ng Israel sa Northern Gaza ay nagpalikas na rin ng mahigit 100,000 na mga katao doon.

Una ng iginiit ng Israel na hindi sila titigil sa military operations sa Gaza hanggat hindi tuluyang masawata ang mga Hamas militants at mapalaya ang mga bihag na hawak nila.