Halos lahat ng lugar sa buong Pilipinas ang nakakaranas ng way below normal rainfall ngayong Abril ayon sa state weather bureau.
Base sa datos ng ahensiya mula Abril 1 hanggang 16, halos lahat ng lugar sa buong bansa mula Luzon, Visayas at Mindanao ang nakakaranas ng naturang klima kung saan nasa 40% o mas mababa sa normal rainfall.
Sa nakalipas na mga araw, tanging ang localized thunderstorm ang nagdala ng manaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Lalo namang lumiit ang tiyansa ng pag-ulan dahil sa ridge ng high pressure area sa may eastern sections ng Northern at Central Luzon.
Paliwanag ng ahensiya na kapag ang ridge ng high pressure area ang nakakaapekto sa isang partikular na lugar, asahan ang mas mababang pagmumuo ng ulap, mas mababang pag-ulan, na magreresulta sa mas mataas na temperatura sa nasabing mga lugar.