-- Advertisements --

sulu2

Iniulat ng Joint Task Force Sulu na halos lahat ng kanilang sundalo sa lalawigan ay fully vaccinated na o nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Ito’y matapos ang 3 araw na innoculation sa JTF-Sulu headquarters sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Jolo, Sulu nitong Biyernes hanggang linggo.

Ang vaccination program ay pinangasiwaan ng Medical staff ng Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa pamumuno ni Ltc Virgilio Reginald Acain at Provincial Health Officer Dr Nehama Nemertina Singki.

Bukod sa mga regular na sundalo, nabakunahan din ang 226 candidate soldiers at 187 miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit, gayundin ang ilang mga aplikante sa pagka sundalo.

Ayon kay JTF-Sulu Commander MGen William Gonzales naging posible ito dahil sa pagdating sa Sulu noong nakaraang linggo ng 15,900 dose ng Astrazeneca vaccine.