-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na halos lahat ng rehiyon ng bansa ay infected na ng COVID-19 Delta variant maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ngunit, nilinaw ni Dr. Alethea De Guzman, director ng Department of Health’s (DOH) Epidemiology Bureau na maaaring dahilan nito ay kaunti pa ang samples na nakukuha nila sa rehiyon ng BARMM.

Nauna nang kinumpirma ng kagawaran na may community transmission na ng Delta variant sa National Capital Region at Calabarzon.

Mahirap pa rin aniya na ideklara na may community transmission na sa buong bansa.

Sa ngayon, wala pang ebidensya ang nagpapatunay na ang Delta variant ang siyang dahilan sa malalang sakit.

Napag-alaman na as of August 21, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 2,322 Alpha variant cases; 2,588 Beta variant patients; at 1,273 Delta variant samples.