-- Advertisements --

NAGA CITY-Tinangay ang halos 1.5 Million Pesos na halaga ng pera sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Laurence, 52 anyos, residente ng Santiago, General Trias, Cavite, habang kinilala naman ang suspek na si alyas Ericel, 28 anyos, residente ng Bonifacio Street, Brgy. Mabini, Gumaca, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, personal na pumunta aniya ang biktima sa Lopez Municipal Police Station upang magsampa ng kasong qualified theft laban sa suspek na si alyas Ericel.

Alas 9:30 aniya ng umaga ng Mayo 1 sa LCL Tiles Center sa Brgy. Magsaysay, Lopez, Quezon, nang nadiskubreng hindi ni-remit ni alyas Ericel ang sales ng tiles at mga accessories na nagkakahalaga ng ₱1,333,682 sa personal bank account ng biktima matapos ang isinagawang physical stock inventory.

Sa ngayon, pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang suspek habang patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nangyaring insidente.