-- Advertisements --
ARIEL NEPOMUCENO

Iniulat ng Office of the Civil Defense (OCD) na aabot na sa halos isang bilyong piso ang halagang nagastos ng pamahalaan para sa mga apektado ng pagtagas ng langis mula sa lumubog na MT Princes Empress sa Oriental Mindoro.

Paliwanag ni OCD administrator Usec Ariel Nepomuceno aabot na sa mahigit Php630 million ang naipapaabot na tulong ng gobyerno para sa mga komunidad na napinsala ng nasabing oil spill.

Aniya, kung isasama pa rito ang mga operating expenses ng pamahalaan na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit Php300 million ay aabot na halos isang bilyon ang direktang nagastos ng gobyerno para tugunan ang nasabing suliranin.

Ngunit kaugnay nito ay nilinaw din ni Nepomuceno na hindi pa kasama dito ang environmental damage na tinamo ng lugar ng dahil sa oil spill.

-- Advertisement --

Aabot kasi sa 262 na mga barangay sa Oriental Mindoro, Palawan, Antique, at Batanggas ang naapektuhan ng naturang oil spill na nakapinsala naman sa 200,244 na mga residente doon kabilang na ang nasa 27,513 na mga mangingisda.

Samantala, bukas, Hunyo 3, 2023 ay sisimulan na aktuwal na paghigop sa mga natitirang langis sa ilalim ng dagat sa Oriental Mindoro gamit ang siphoning vessel mula Singapore na inaasahang magtatagal ng 25 hanggang 30 araw depende sa lagay at kondisyon ng panahon.