-- Advertisements --

Napansin ng Commission on Audit (COA) ang nasa P936.653 million overpayments na ginawa ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa mga health care institutions (HCIs) noong 2019.

Base pa sa annual audit report ng COA, mayroon pang P84.96 million na unsettled audit suspensions, disallowances na aabot sa P6.88 billion at P2.41 million charges. Ang mga nabanggit na halaga ay may kabuuang bilang na P6.967 billion.

Nakita rin ng ahensya ang full reimbursement ng All Case Rates at Z benefit sa iba’t ibang health care institutions para sa 312,577 sampled claims sa kabila ng mababang member-patients’ hospital charges.

Binigyang-diin din ng naturang state auditor na dahil sa ginagawang ito ng Philhealth ay mas maraming Pilipino ang mistulang nadadaya.

Karamihan ng mga overpayments na ay mula sa National Capital Region (NCR), Rizal;, CARAGA, Region 1, Region 8 at Region 9.

Sa ilalim ng case rate system, binabayaran ng PhilHealth ang kabuuang gastos ng treatment package, kahit pa mas mababa ito sa kabuuang bayarin ng isang patient-member.

Habang ang Z Benefit Package naman ay binibigay sa mga myembro ng PhilHealth na kinakailangang i-admit ng matagal sa ospital.

Kabilang sa mga sakit na sakop ng naturang package ay ang acute lymphocytic leukemia, early breast cancer, prostate cancer, kidney transplant para sa mga end stage kidney disease, coronary artery bypass graft surgery at cervical cancer.