-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nakumpiska ng mga otoridad sa lalawigan ng Ilocos Sur, partikular na sa Barangay Del Pilar, Tagudin ang halos P1-milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation nitong Lunes ng tanghali.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang mga nahuling suspek sa nasabing operasyon na sina Xandrex Albay, 32; at Jimyr Beninsig, 22, kapwa taga-Batangas St., Tondo, Manila.

Ang dalawang suspek ay pinaniniwalaang kasapi ng isang drug group na nag-ooperate sa lalawigan base sa intelligence report na nakalap ng mga otoridad.

Nakuha mula sa mga ito ang 14 na heat sealed transparent plastic sachet na may bigat na 100 gramo at nagkakahalaga ng P650,000.

Maliban sa nasabing halaga ng iligal na droga, nakumpiska rin sa mga suspek ang P78,000 na boodle money at P1,000 genuine money.