Halos isang milyon na halaga ng ecstacy ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency -7 sa isinagawang anti-illegal drug operation sa harap ng Post Office sa bayan ng Malabuyoc probinsya ng Cebu.
Narekober sa nasabing operasyon ang 194 tablets ng druga na tumimbang sa humigit-kumulang 151 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P843,200
Ayon pa kay PDEA-7 director Levi Ortiz, nanggaling ang nasabing ecstacy sa bansang Netherlands at tinuturing na high grade na klase ng droga.
Hindi umano ito tinanggap ng receiver sa package na hinatid ng isang post master dahilan na nakipag-ugnayan ang Bureau of Customs sa PDEA-7 upang suriin ang laman ng nasabing bagahe.
Ibinunyag naman ni Malabuyoc Cebu Mayor Lito Creus na isang drug surrenderee ang nakapangalan sa nasabing bagahe dalawang taon na ang nakalipas.