-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa halos isang milyon piso na financial at food assistance ang naibigay sa mga apektado ng Bagyo Egay sa Western Visayas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ms. Cindy Ferrer, spokesperson ng
Office of the Civil Defense Region 6, sinabi nito na P699,426 ang naibigay na Family Food Pack, 251, 503 ang Financial at 1,498 ang Hygiene Kit.

Ayon kay Ferrer, 8,034 na mga pamilya o 31, 771 na mga indibidwal ang apektado ng masamang panahon.

Pinakaapektado ang Negros Occidental, ikalawa ang Antique, ikatlo ang Guimaras at ikaapat ang Iloilo.

Isa naman ang naitalang casualty sa Aklan.

33 naman ang mga nasirang mga bahay kung saan 20 dito sa Antique, 9 sa Iloilo at 4 sa Negros Occidental.

Siyam naman ang narekord na landslide incident sa Antique.

Apat na mga lugar ang binaha sa Guimaras at isa sa Antique.

12 naman ka mga pantalan ang apektado kung saan lima sa Iloilo, 3 sa Negros Occidental, 2 sa Antique at tig-iisa sa Aklan at Capiz.