-- Advertisements --

NAGA CITY-Nakumpiska ang halos 1 Million Pesos na halaga ng ilegal na droga sa Tayabas, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Donato, 55 anyos, residente ng Brgy. Lakawan, Tayabas City, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, inaresto aniya ang suspek pagkatapos na makabili dito ang poseur-buyer ng mga awtoridad ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Nang kinapkapan ang suspek, nakuha pa dito an tatlo pang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga.

May kabuuan aniyang bigat na 46 grams ang nakumpiskang pinaniniwalaang ilegal na droga at nagkakahalaga ng ₱938,400.

Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Tayabas City Police Station para sa karampatang disposisyon.