-- Advertisements --
taguig1

Nasa mahigit P775,000 o nasa halos isang milyong piso halaga ng hinihinalaang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) sa dalawang drug suspeks sa isinagawang buy bust operation kagabi sa Taguig City.

Kinilala ni SPD director, B/Gen. Emmanuel Peralta ang dalawang nahuling drug personalities na sina Julius Caesar Janer alias Rap-Rap at Charelyn Cantos.

taguig2

Ayon kay Peralta, nakatanggap nang impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa illegal drug activities ni Rap-Rap, kaya kagabi nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba para ikasa ang buy bust operation sa Purok 8, Panday Creek, Barangay Palingon, Taguig City.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer kung saan nasa P16,300 halaga na shabu ang binili nito mula sa mga suspek.

Nakuha sa kanilang posisyon ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalaang shabu, tatlong piraso ng P100 at 16 anim na piraso ng tig-P1,000.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isasampa laban sa dalawang suspeks.

Siniguro naman ni Gen. Peralta na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang anti-illegal drug campaign.