-- Advertisements --

Posible umanong magkaroon ng oil price rollback sa presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Ayon sa mga energy sources, nasa P0.90 hanggang P1 ang inaasahang tapyas sa kada litro ng gasolina.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Noong nakaaraang linggo, nagkaroon din ng P1.00 na bawas sa presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.60 naman ang naging rollback diesel.

Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipatutupad naman ito kinabukasan.