Halos P10 million halaga ng samu’t saring iligal na droga ang nasabat ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), PDEA NCR at Cainta Municipal Police Station sa isinagawang operasyon sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.
Arestado ang drug suspek na si Khrystyn Almario Pimentel, 30, isang curriculum developer sa Quantrics, Taytay, Rizal at residente ng Donya Luisa Village, Ecoland, Davao City.
Sa operasyon kahapon bng mga otoridad kanilang nadiskubre ang isang kitchen type clandestine shabu laboratory sa tinitirhan nitong bahay.
Ayon kay PDEG director B/Gen. Ronald Lee, isinagawa ang operasyon matapos mabatid nila na may isang clandestine laboratory ang nag-o-operate sa nasabing bahay.
Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa P6.8 million na halaga ng sabu, 2,000 piraso ng suspected party drugs na ecstacy na may street value na P3.4 million at 10 maliliit na pakete o kalahating kilo ng kush o high grade marijuana na nagkakahalaga ng P60,000.
Nabatid ng PDEG na live-in partner ng naarestong drug suspect si Pimentel ng isang Jose Aguilar alyas Ish na isang Filipino-American na kaanak umano ni Jason Ivler na pamangkin ng singer-composer na si Freddie Aguilar.
Kilalang drug user naman daw ang naarestong si Khrystyn simula ito ng nasa kolehiyo pa.
Sinasabing na-deport sa Pilipinas si alyas Ish Aguilar mula sa Amerika dahil sa iligal na droga at ipinagpatuloy umano nito ang operasyon kasama si Pimentel pagdating sa Pilipinas noong isang taon.
Sinabi ni Lee, batay sa salaysay ng inarestong drug suspect na si Khrystin, nabanggit na sa kaniya ni Ish na nagpapatuloy ang illegal transaction sa illegal drugs at ang supply ng kaniya mga iligal na droga ay mula sa ibat ibang foreign national at ilang mga Filipino friends.
Tina-transport ng mag live-in partner ang kanilang mga illegal items sa pamamagitan sa isang “Gian” o sa pamamagitan ng delivery service.
Pinuri naman ni PNP chief Gen. Debold Sinas sa matagumpay na operasyon ng PDEG.
Mahigpit din ang bilin ni Sinas kay Lee na ipagpatuloy ang pagtugis sa mga tinaguriang high value individual.