CAGAYAN DE ORO CITY – Nakompiska ng pulisya ang halos P10 milyon na halaga ng klase-klaseng mga sigarilyo na pinaghinalaan na resulta ng smuggling operations sa bahagi ng Lanao del Norte sa Northern Mindanao region.
Kasunod ito sa pinaigting na anti-smuggling campaign ng Philippine National Police upang matulungan ang Bureau of Customs sa pagsugpo ng mga palusot na mga kontrabando na magdulot ng malaking lugi ng gobyerno.
Tinukoy ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro ang matagumpay na operasyon ng 2nd Provincial Mobile Force Company kung saan naabutan ang inaabandona ng wing van na mayroong 247 karga ng mga kahon ng mga sigarilyo sa kahabaan ng Purok 4, Mamagum, Sultan Naga Dimaporo.
Sinabi ni Navarro na tumambad sa kanilang operating troops ang sari-saring uri ng mga sigarilyo na hindi pamilya ang brand name nito na maaring nagmula pa sa ibang bansa.
Kaugay nito,agad nakipag-ugnayan ang pulisya sa BoC Iligan City ang mga kontrabando para sa proper documentation at paghahanda na rin para sa pagsasampa ng kaso sa nasa likod ng katulad na kabulastugan.
Bagamat walang naabutan ang pulisya na mga tao subalit tiniyak nila na walang humpay ang kanilang operasyon laban sa lahat ng illegal activities na pinaggagawa ng smuggling syndicates na kumikilos sa Mindanao.