Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na pumalo na sa P100B ang ikinalugi o nawala sa ekonomiya ng Pilipinas taon-taon.
Ayon sa ahensya, dulot ito ng patuloy na pag ooperate ng mga Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.
Matapos ang isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means , sinabi ni finance undersecretary Karlo Adriano na pumalo sa P265.74 billion ang nagiging economic costs ng Pilipinas.
Ito ay mas mataas kumpara sa P166.59 billion na economic benefit o kita ng bansa mula sa mga POGO.
Paliwanag ni Adriano, papalo sa P99.52 billion nawawala sa kita ng Pilipinas maliban pa sa mga social cost na dulot ng POGO-related illegal activities.
Itinuturing din na economic cost ang masamang dulot ng POGO sa reputasyon ng Pilipinas maging ang pagsipag atrasan ng mga negosyante dahil dito.
Kaugnay nito ay naglabas ng rekomendasyon ang Finance Department na wag nang hayaan na mag operate ang mga POGO sa bansa.