-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw na pumalo na sa halos P105-M na halaga ang naging pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa ahensya , ang nasabing halaga ay katumbas naman ng 3,947 tons ng produksyon nito.

Tinatayang aabot naman sa kabuuang 842 ektarya ng lupang sakahan ang nasira mula sa dalawang rehiyon ng 6 at 7.

Bagsak din ang kabuhayan ng 1,706 na magsasaka at mangingisda sa lugar kung saan pinakamarami ang apektado mula sa Region 7. na pumalo sa 1,571 na magsasaka at mangingisda.

Kaugnay nito ay 8,580 pamilya o katumbas ng 29,839 na indibidual ang apektado ng pagsabog ng bulkan mula sa 25 barangay.

Higit libo naman ang apektadong pamilya at indibidwal na nanunuluyan ngayon sa mga evacuation center na itinalaga ng mga kinauukulan.

Ayon sa gobyerno, pumalo na sa 11.3 milyong piso ang halaga ng tulong ang naipamahagi nito sa mga naapektuhang residente.