-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakakumpiska ang Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) ng halos P133 million halaga ng iligal a droga sa mga serye ng operasion sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region noong Marso.

Ayon sa PROCOR, nagkakahalaga ang mga nakumpiskarng iligal na droga ng mahigit sa P132.9 million.

Nagresulta ang mga isinagawang operasyon sa pagkakaaresto ng 31 katao ang pagsampa ng 17 na kaso sa korte.

Kabilang sa mga nakumpiska sa isang buwang operasyon ang 137 gramo ng shabu; mahigit 366,000 piraso ng marijuana plants; mahigit 12,000 na piraso ng seedlings; mahigit 9,000 na gramo ng buto ng marijuana; halos 400,000 na gramo ng tuyong dahon ng marijuana at 85,000 na marijuana stalks.

Ipinagmalaki ni PROCOR Regional Director, PBGen R’Win Pagkalinawan ang nagawa ng Cordillera PNP.

Tiniyak niyang nanatiling alerto ang mga pulis sa rehiyon kahit naging abala ang mga ito sa pagsilbi bilang frontliners sa laban kontra sa coronavirus disease.