COTABATO CITY – Hindi na nagawa pang makatakas ng isang bigtime drug suspect habang nakatakas naman ang dalawa pang mga kasama nito sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Buanza, Indanan Sulu.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Yahiya Kadjuri, alyas Otho na residente rin ng nasabing lugar.
Nakilala din ang mga nakatakas na sina Nurdalyn Sang at alyas Tua Putol.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang dalawang bulto ng suspected shabu na may bigat na dalawang kilo kasama na ang na buy bust money.
Tinatayang aabot sa P13.6 million ang halaga ng naturang mga shabu.
Nasa costudial facility na ng Indanan Sulu Municipal Police station ang suspek at sinampahan na rin ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad dalawang natakas na suspek.
Ang mga suspek ay nahuli sa pamamagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9, PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) PNP at Armed Forces of the Philippines.