BACOLOD CITY – Halos P14 million na halaga ng illegal na druga ang nakumpiska sa buybust operations na isinagawa ng Philipine National Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit (SOU) 4 at 7 sa JR Torres Subdivision, Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City kagabi.
Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Bacolod, arestado ang maglive-in partner na sina Jun Mark Ibe, 28 anyos; Regine Arroz, 28 anyos, residente ng Bacolod City at kanilang katulong na si Shiela Mhary Balarao, 34 anyos, residente ng Binalbagan.
Narecover ang 20 malalaking bulto nga suspected shabu na tinatayang may bigat ng dalawang kilo at may estimated value na P13.6 million, isang digital weighing scale, calculator at pera.
Ang nakumpiskang illegal na droga ang nakasilid sa isang karton nga gatas at mga biscuits.
Ayon sa mga otoridad, ang naturang karton ang nagmula pa sa Marikina at ipinadala lang sa Bacolod kung saan si Balarao ang kumuha ng package.
Nakakulong sa ngayon ang mga suspek sa Bacolod Police Station 8 at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.