-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Umaabot sa P146-milyong halaga ng marijuana ang binunot at sinira ng mga pinagsanib na pwersa ng pulisya at ng Philippine Drug Enfocement Agency (PDEA) sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay P/Maj. Richard Gadingan, tagapagasalita ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO) na ang tatlong araw na operasyon ng mga operatiba ng PDEA Cordillera, Kalinga Police at Tinglayan PNP sa ilalim ng “Oplan Green Pearl” SHER-FAN ay nagresulta sa pagkadiskubre sa siyam na panibagong plantasyon sa iba’t-ibang kagubatan na nasasakupan ng Barangay Buscalan.

Nasa 717,900 fully grown marijuana plants at 25,000 gramo ng marijuana stalks ang mga sinunog ng mga otoridad sa nasabing plantasyon na may lawak na 39,800 square meters.

Gayunman, walang nahuling cultivator sa naturang operasyon ng mga otoridad na nagtapos nitong August 15.