Halos P19 million ang nalulugi sa sektor ng pangingisda araw-araw habang tumatagal ang epekto ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon kay BFAR chief information officer Nazario Briguera, nasa 26,382 na mangingisda ang nawalan ng tirahan dahil sa naganap na oil spill.
Aniya, sa isang mangingisda sa lugar, tinatayang P714 ang nawawala sa kanila sa araw araw.
Dagdag ni Briguera na humigit-kumulang P400 million ang nawala sa 22 fishing base sa lugar dahil sa tumagas na langis.
Gayunpaman, iginiit ng ahensya na kailangan ang pagbabawal sa pangingisda matapos na matagpuan ang langis sa mga sample ng isda at tubig mula sa mga lugar na apektado ng oil spill.
Sa unang bahagi ng linggong ito, tinukoy ng BFAR ang mga alternatibong lugar ng pangingisda para sa mga mangingisdang apektado nito.
Binigyang-diin ni Briguera na dapat magkaroon ng koordinasyon sa kani-kanilang local government units para mabigyang-daan ang mga mangingisda mula sa ibang munisipalidad.