Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng halos P1 trillion na pondo o katumbas ng 15.4% mula sa panukalag pondo sa 2025 na P6.352 trillion para sa sektor ng edukasyon.
Sa isang statement, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ginawa ang paglalaan ng pondo sa susunod na taon para sa naturang sekor dahil ang edukasyon ang patuloy na pangunahing prayoridad ng Marcos administration.
Ang Education sector ay binubuo ng Department of Education, State Universities and Colleges, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon kay Sec. Pangandaman, mas mataas ang panukalang pondo sa 2025 ng education sector na nasa kabuuaang P977.6 billion kumpara ngayong 2024 na nasa P968.9 billion.
Ipinaliwanag naman ng kalihim na ilalaan ang alokasyong pondo para suportahan ang mga programa ng DepEd kabilang ang MATATAG Agenda for Basic Education gayundin gagamitin ito sa iba pang mahahalagang education programs gaya ng School-based Feeding program.