-- Advertisements --

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P1.94 bilyong piso ng mga tuyong tabacco at ilan pang mga pekeng items sa dalawang warehouse sa Guiguinto sa probinsiya ng Bulacan.

Batay sa ulat ng BOC, una nilang na-raid ang unang warehouse noong nakaraang Miyerkules kung saan nakakuha sila ng nagkakahalagang P1.25 bilyong mgs smuggled items.

Ang mga smuggled items ay kinabibilangan ng mga damit, sapatos at ilan pang mga branded na bags at mga gadjets.

Samantala, sa isa pang warehouse na siya namang sinalakay noong Biyernes, November 8,2024 nasa P694.4 milyong piso halaga ng tuyong tabacco at mga cigarette filter rods na halos ang nakumpiska.

Binigyan naman ng 15 araw ang mga operator at may ari ng mga nasalakay na warehouse para makapagsumite ng mga kaaukulaang mga dokumento na nagpapatunay sal egitemacy ng mga naturang mga items at tama ang buwis na nabayaran ng mga ito. (BEA PANEZA)