-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nadiskubre ang P1.825-milyong halaga ng mga marijuana bricks sa tabi ng kalsada sa Dangoy, Lubuagan, Kalinga kaninang madaling araw.

Batay sa ulat ng pulisya, nakatanggap ang mga personnel ng Lubuagan Municipal Police Station ukol sa narekober na apat na bagahe na naglalaman ng mga marijuana bricks sa bisinidad ng Pucoc, Barangay Dangoy.

Natagpuan ng mga tauhan ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company ang mga nasabing kontrabando na naitago sa madamong bahagi sa itaas ng kalsada.

Nakita ito ng mga pulis nang mailawan ng kanilang sasakyan habang sila ay nagpapatrolya.

Sa pagsiyasat nila sa mga bahage, nadiskobreng naglalaman ang mga ito ng 71 piraso ng dried marijuana bricks at dalawang tubular marijuana na may bigat na tinatayang 73 kilos.

Ipinasakamay naman ang mga narekober na kontrabando sa Lubuagan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.