-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Ikinagalak ni City Treasurer Marloun Gumbao nga maraming mga benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) ang nag-waive o ibinalik ang kanilang mga benepisyo upang ibigay sa mas nangangailangan nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Gumbao, nasa P2 milyon ang kabuuang halaga ng pera na ibinalik ng mga tao mula noong nagsimua ang pamimigay ng nasabing benepisyo.
Karamihan aniya sa mga binalik ang mga pera ay yaong maykaya sa buhay at mga senior citizen na mayroong pension.
Dahil dito, umaabot sa halos P24 milyon ang kabuuang pera na kanilang hinahawakan ngayon kung saan plano nilang bigyan ang mga hindi nakatanggap ng P5,000 sa pamamagitan ng paggawa ng bagong payroll.