-- Advertisements --
Matapos ang limang beses na oil price rollback, malakihang umento naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ang asahan sa susunod na linggo.
Ayon sa mga energy sources, ang gasolina ay mayroong dagdag presyo na papalo sa P1.60 hanggang P1.70 kada litro.
Malaki rin ang umento sa presyo ng diesel na P1.25 hanggang sa P1.35 kada litro.
Habang ang kerosene ay P1.20 hanggang P1.30 ang dagdag sa presyo ng kada litro.
Tuwing Lunes inaanunsiyo ang oil price adjustments at ipinatutupad ito sa susunod na araw o Martes.