-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Umaabot sa P189,539 kabuuang halaga ng iligal na paputok ang nakumpiska sa buong Region 1.

Mula sa apat na probinsiya ng Region 1, nakumpiska ang mga paputok na may kabuuang halaga na P189,539 na resulta ng operasyon na isinagawa ng mga otoridad.

Ayon kay Brig. Gen. Joel Orduna, regional director, Police Regional Office 1 (PRO1), sa kabuuan ay mapayapa at walang naitalang krimen sa pagdiriwang ng bagong taon sa Region 1.

Mayroon lamang naiulat na 43 biktima ng firecracker related incidents, apat na kaso ng indiscriminate firing (3 civilians at isang CAFGU) at isang stray bullet incident sa Laoag City na isinuko din sa PNP personnel mula December 16, 2019 hanggang January 2, 2020 sa buong Region 1.

Nabatid din na 15 ang naaresto habang tatlo ang kasalukuyang pinaghahanap pa dahil sa paglabag sa Republic Act 7183 at Executive Order No. 28.

Pinuri rin ng hineral ang hanay ng pulisya a ipinagpaliban ang kanilang pansariling interes para sa mapayapa at ligtas na pagdiriwang ng holiday season.