Tinitignan na ng Department of National Defense (DND) ang posibleng legal options para mabawi ang kabuuang P1.9 billion downpayment ng gobyerno ng Pilipinas noong Enero 2022 para sa naudlot na pagbili ng 16 na MI-17 heavy-lift helicopters mula sa Russia.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr, kasalukuyang pinag-aaralan pa ng legal office ng DND ang mas mainam na legal options ng bansa sa naturang usapin.
Kung matatandaan, tinerminate o kinansela ng Pilipinas bago matapos noon ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrata sa pagbili ng naturang helicopters na nagkakahalaga ng kabuuang P12.7 billion para sana sa pagpapalakas ng helicopter fleet ng Philippine Air Force (PAF).
Ito ay dahil sa posibleng sanctions na kakaharapin ng bansa mula sa Amerika kapag ipinagpatuloy nito ang kasunduan sa Russia kasunod na rin ng invasion ng nasabing bansa sa Ukraine.