-- Advertisements --

CEBU CITY – Aabot sa halos P3-milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na nakumpiska sa mga pulis sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Cebu.

Unang nakuhanan ng halos P2-milyong halaga ng umano’y shabu ang isang high value target na kinilalang si Ray Ann Singko Tisoy, 20, taga-Barangay Bulacao kung saan ang shabu na nakuha mula rito ay may bigat na 250 gramos.

Huli naman ang 5 katao sa isinagawang buybust operasyon sa may Salvador Extension, Labangon ng lungsod.

Nakuha mula rito ang mga sinasabing shabu na may bigat na 30 grams at nagkakahalaga ng P204,000.

Sumunod namang nahuli sina Wilfredo Mondares, Jonathan Baclayon, at Eugenio Añora, na nakuhanan ng 110 grams ng shabu at nagkakahalaga ng P748,000.

Nakadetine na ngayon ang mga nahuli sa Cebu City Police Office lock-up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.