BUTUAN CITY – Huli ang dalawang indibidwal matapos makumpiska mula sa kanila ang mga smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng halos P3M sa magka-ibang operasyon na isinagawa sa mga probinsya ng Surigao del Sur at Agusan del Sur kahapon, Miyerkules, Abril a-24.
Ang mga nakumpiskang illegal items ay kinabibilangan ng 150 reams ng sigarilyong President, 50-reams ng Alpha, 428-reams ng Oakley Original, 287- reams ng Greenhill, 956-reams ng King Perfect, 350-reams ng Delta, 350-reams ng Broadpeak, 432-reams ng New Orleans; 1,407-reams ng Hero; 3,900-reams sng Soda, 25-reams ng Nelson at 146-reams ng New Orleans Cigarettes na nagkakahalaga ng P2,968,350.00.
Nakilala ang mga nahuli na sina alyas “Mal”, 60 anyos, ng Barangay Poblacion, Barobo Surigao del Sur, at alyas ‘Pen”,ng Barangay San Isidro, Las Nieves, Agusan del Norte.
Isinagawa ang operasyon ng mga personahe ng Bureau of Internal Revenue-13, Regional Intelligence Division 13, Barobo Municipal Police Station at 401st Brigade Philippine Army.
Mga kasong paglabag sa RA No. 8424 o Tax Reform Act of 1997 ang kakaharapin ng dalawang suspetsado.