-- Advertisements --

Aabot sa P2.95 milyon ang naibigay na donasyon ng Singapore Red Cross sa mga biktima ng bagyong Carina sa bansa.

Kinumpirma ito ni House Speaker Martin Romualdez kung saan tiyak na maraming mga mamamayan natin na nasalanta ng bagyo ang matutulungan ng nasabing halaga.

Ang nasabing halaga ay ipapasakamay sa Philippine Red Cross na siyang magbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Una rito na iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroong mahigit 3.6 milyong katao ang naapektuhang ng nasabing bagyo.