CEBU – Umabot sa P27 million na halaga ng hinihinalang iligal na droga ang nasakote ng otoridad mula sa isa sa Regional Top 10 Priorities ng operatiba.
Hindi na nakawala pa sa mga kamay ng Lapu-Lapu City Police at ng ibang ahensiya ng otoridad ang suspek na si Roldan Canillo Rosales alyas Shakira, 26 taong gulang at residente ng Sip-ak Brgy. Sudlon 1, lungsod ng Cebu.
Kabilang sa nakuha ng otoridad mula sa suspek ang isang back pack at mga malalaking sachet na may pinaniwalaang illegal drugs kabilang na ang iba pang mga items.
Nasa kustudiya na ng Lapu-Lapu City Police ang naaresto.
Samantala, tinatayang nasa P13 million na halaga ng natural resources gaya ng taklobo, shells, sea turtles, coral at shark teeth ang nakumpiska ng otoridad sa isinagawang joint operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Central Visayas at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-7) kasama ang iba pang ahensiya.
Nakilala ang mga naaresto na sina Emerson Arco 58 taong gulang at Bryan Arco 31 taong gulang. Sa pamamagitan ng search warrant nasakote mula sa mga suspek ang naturang mga items noong Hunyo 30.
Ayon kay CIDG-7 Regional Director PCol Ireneo Dalogdog na nakatakdang i-export sa ibang bansa ang mga natural resources.
Binigyang diin ni Dalogdog na isang paglabag ng batas ang pag-export at paggamit ng mga endangered species sa negosyo.