BUTUAN CITY – Umabot sa halos 30-Milyong piso ang halaga sa ilegal na droga ang sinunog sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga kahapon ng umaga sa may Richmond Plywood Corporation sa Barangay Mahogany nitong lungsod sa Butuan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PDEA-Caraga spokesperson Dindo Abellanosa, na ang sinira na mga illegal na droga ay kinabibilangan sa cocaine, shabu at marijuana kung saan ang 4 na kilo sa cocaine ay galing sa Surigao area na na-intercept sa mga otoridad.
Dagdag sa opisyal na hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa nila ang pagsusunog sa mga illegal na droga na may pahintulot sa korte dahil sa nakaraang taon ay sinira rin ang mahigit isang daan milyong piso sa nasabi ring mga epektos.
Layunin umano nila sa pagsunog nito sa hindi pa matapos itong taon ay upang mawala ang pagdududa ng taong bayan na ito ay ibinalik at ibinenta sa merkado.