-- Advertisements --

Patay ang apat na drug suspeks sa enkwentro kaninang madaling araw sa C6 Barangay Sta Ana, Taguig City laban sa mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group at NCRPO.

Nasa P272 million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa apat na suspeks, na may bigat na 40 kilos shabu.

Tinukoy ni PNP Chief Gen Debold Sinas ang dalawa sa apat na napatay na drug suspeks na sina Christopher Ocarol at Allan Catalan.

Aniya, sangkot ang dalawa sa pagdadala ng drug supply mula Metro Manila patungong Central Visayas.

Kinumpirma ni Sinas na ang dalawang napatay ay kilalang mga drug lord sa Central Visayas at mga dating preso ng New Bilibid Prison.

“They were source of voluminous shipment of illegal drugs in Central Visayas,” wika ni Gen. Sinas.

Ayon naman kay NCRPO chief BGen Vicente Danao na kanila ng inaalam kung kaninong grupo o anong sindikato ang kinabibilangan ng mga suspek.

Ongoing pa rin sa ngayon ang crime scene investigation at sinusuri na rin ng PNP Chemist ang mga nakumpiskang pinag hihinalaang iligal na droga.

Sinabi ni Danao, sa kalagitnaan ng iligal drug transaction bumunot ng baril ang isa sa mga suspek matapos makatunog na mga pulis ang katransaksiyon.