CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng pulisya ng mga kasong paglabag ng Republic Act 9711 in relation to Republic Act 8203 -Special Law for Counterfeit Drugs ang isang negosyante na umano’y distributor ng counterfeit medicines na unang ipina-aresto ng korte sa Purok 6,Cabatuan,Barangay Calabayan,Ozamiz City,Misamis Occidental.
Kinilala ang suspek na si Leonardo Duma Jr,56 anyos na residente sa nabanggit na syudad.
Sinabi ni Police Regional Office 10 spokesperson Lt Col Michelle Olaivar na matapos isinilbi ng kanilang Regional Special Unit 10 ang tatlong search warrants mula korte ay tumambad ang nasa P3.5 million halaga ng mga peke na gamot dahilan na inaresto si Duma.
Nilinaw ni Olaivar na ang pagkahuli sa suspek ay alinsunod sa ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na massive crackdown laban sa laganap na pagbebenta at pag-manufacture ng mga pekeng gamot na delikado para sa kalusugan ng publiko.
Kung maalala,umani ng sari-saring reaksyon matapos ipinag-utos ng DILG na limitahan ang sari-sari stores na makapagtinda ng mga gamot na hindi dumaan sa pagsang-ayon ng Food and Drug Administration.