Pumalo na sa halos P40-B na halaga ng droga ang nasakote ng Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng unang taon na panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula Hulyo 1 ng 2022 hanggang Octubre 7 ng kasalukuyang taon.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, resulta ito ng hindi matatawarang commitment ng kanilang organisasyon na masigurong ligtas ang mga kumunidad sa bansa.
Kasabay sa kanilang effort ang pagtataguyod ng rule of law sa lahat.
Ayon pa kay Marbil, nagkasa sila ng 109,694 na anti-drug operations sa buong Pilipinas habang nagresulta naman ito sa pagkaka aresto ng 137,190 indibiduwal.
Batay sa datos ng PNP, nangunguna ang shabu sa kanilang mga nasasakoteng droga na sinusundan ng marijuana, cocain, gayundin ng ecstacy at ketamine.
Ito ay may kabuuang halaga na aabot sa mahigit ₱39.8 bilyon.