CEBU CITY – Umabot sa P38-milyong halaga ng marijuana plants ang binunot ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 sa ginawang opearsyon laban sa iligal na droga sa Purok 3, Brgy. Bagakay, lungsod ng Toledo, Cebu.
Tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na kinilalang si Cerelo Dehoras Ebena, residente ng Sudlon 1, lungsod ng Cebu, matapos itong naabutan ng otoridad sa operasyon ngunit agad itong tumakas.
Batay sa report ng 2nd Provincial Mobile Force Company, pinaniwalaang si Ebena ang tagapangalaga ng malawak na marijuana plantation na patuloy nang hinahanap ng mga otoridad.
Samantala, kaagad namang sinunog ng operatiba ang 95 na puno ng marijuana na isinailalim na sa examination ang ilan nito sa Regional Crime Laboratory Office-7, habang may mga narekober din ang otoridad sa lugar na dalawang improvised rifle air guns.
Patuloy na hinihikayat ng otoridad ang publiko na agad na magsumbong kung may mapapansin na kaduda-duda sa kani-kanilang lugar, kabilang na sa kalakaran ng illegal drugs.