-- Advertisements --

Umaabot na sa P400 million ang halaga ng pinsala sa national roads at mga tulay sa northern Luzon dahil sa nagdaang lindol ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa initial assessment, iniulat ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na nasa P104.53 million ang halaga ng pinsala sa national roads habang nasa P292.05 million naman sa mga tulay sa Cordillera Adminsitrative Region, Ilocos Region at sa Cagayan Valley region.

Ayon pa sa DPWH official, nalinis na ang mga kalsada na natabunan ng tipak ng mga bato at lupa dahil sa landslide at passable na para sa mga motorista.

Subalit mayroon pang limang mga road section sa CAR at Ilocos region ay kasalukuyan pang nililinis ng DPWH Quick Response Teams.

Target na muling mabuksan ang mga apektadong kalsada sa CAR dakong alas-5:00 ng hapon ngayong araw ng Sabado, July 30.