Halos nasa P5.5 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng PNP region 3 mula sa mga drug suspects sa ikinasang buybust operation sa Barangay Ninoy Aquino, Angeles City, Pampanga.
Nasa 11 plastic sachets na naglalamang ng hinihinalaang shabu at P5,000 marked money ang nakumpiska sa mga suspeks.
Kinilala ni PRO Regional Director Police Brigadier General Valeriano de Leon ang mga naarestong drug suspects na sina: Noraden Ariray, isang high-value individual; Roberto Carbungco, na nasa drug watch list ng mga otorisad; at Anthony Bonifacio dating ex-convict na nakulong ng 10 taon.
Kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kahaharapin ng mga suspeks.
” Thru our revitalized anti-drug campaign in line with the directives of our Chief PNP PGEN DEBOLD M SINAS along with the support of the community even during this pandemic, we continue to yield positive results. As we keep on working double time to stop the proliferation of illegal drugs in the region, we also urge every one to help us in our campaign against illegal drugs,” pahayag ni PBGen. De Leon.