BAGUIO CITY– Aabot sa P5.6 million na halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga otoridad sa Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga sa tatlong araw na operasyon nitong Miyerkules.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) -Cordillera, resulta ito ng OPLAN: Linis Barangay XI ng PDEA at ang OPLAN: Green Pearl Bravo ng Philippine National Police.
Nasira ang 28,300 na piraso ng fully-grown marijuana plants at 1,000 na piraso ng marijuana seedlings mula sa sampung plantation sites.
Naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng tulong na anti-narcotic operatives ng PDEA-Kalinga, Tinglayan Municipal Police Station, Lubuagan Municipal Police Station at iba pang unit ng Kalinga PNP.
Gayunman, walang naaresto sa nasabing operasyon pero nagpapaalala ang PDEA na kung sinuman na indibidual ang maaktuhang nagtatanim at nag-aalaga sa mga marijuana ay mapaprusahan ang mga ito ayon sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.