Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.85 bilyon bilang tulong pinansiyal sa mga biktima ng bagyong Odette.
Isinagawa ng DBM ang hakbang matapos ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapamigay ito ng P5,000 na ayuda sa kada pamilya na apektado ng kalamidad.
Paghahatian ito ng mga iba’t-ibang rehiyon gaya ng :
Region IV-B na makakakuha ng P198.21 million habang ang Region VI ay mayroong P1.63 billion.
Makakatanggap naman ang Region VII ng P1.04 billion samantala ang Region VIII ay mayroong P964.10 million, ang Region X naman ay makakatanggap ng P156.02 million at ang Region XIII ay mayroong P864.08 million.
Ipapaubaya na ng DBM sa mga local government units ang mga pamamahagi ng nasabing halaga sa kanilang mga mamamayan.