-- Advertisements --

Aabot sa halos P5 milyong halaga ng party drugs na ecstacy ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang lalaki sa Manila Central Post Office.

Idineklara ng 26-anyos na suspek na pawang mga damit pambata at pambabae at isang pares ng sapatos ang laman ng kahon na mula aniya sa Netherlands.

Kasama ng PDEA ang Bureau of Customs Port ng NAIA at Inter-Agency Drug Interdiction Task Group para sa agarang pag-aresto sa suspek.

Lumantad sa mga kahon na nakuha sa suspek ang mahigit 2,000 mga tableta ng ecstacy drugs.

Inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng kasamahan ng naarestong suspek at ang grupong kinaaniban nito.