KORONADAL CITY – Umaabot na sa ngayaon sa P477-Million ang halaga ng danyos sa mga pananim sa probinsya ng North Cotabato sa pagsisisimula ng tagtuyot.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PRDDMO) warning and action officer Engr. Arnulfo Villaruz, bagama’t hindi pa kabilang ang North Cotabato sa tatlong kategorya na dry condition, dry spell at drought, lubhang maraming prdukto ang naapektuhan.
Ipinahayag din nito na nasa 8,500 na mga local farmers ang apektado at hindi pa kabilang dito ang mga laborers sa probinsya.
Binigyang-diin din na nito na posible madagdagan pa ang mga bayan na isinailalim sa state of calamity sa susunod na linggo kung magpapatuloy ang tagtuyot.
Matatandaang una nang nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Pikit, Mlang, Tulunan, Alamada at Aleosan.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka at mamahagi din ng seedlings ang provincial government kung magsisimula na ang tag-ulan sa susunod na mga buwan.