-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang halos P50 billion na pondo para sa buwanang social pension ng mahigit 4 million indigent o mahihirap na senior citizen sa buong bansa.

Ayon sa DBM, ang naturang halaga ay inilabas sa Department of Social Welfare and Development na kinuha mula sa 2024 General Appopriations Act.

Layunin ng Social Pension for Indigent Senior Citizens program ng DSWD na mapabuti ang kapakanan ng kwalipikadong indigent senior citizens sa pamamagitan ng pagtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at medical requirements, maibsan ang kagutuman at maprotektahan sila mula sa deprivation, neglect o pang-aabuso.

Sa ilalim ng batas, ang mga benepisyaryo ng naturang programa ay makakatanggap ng pinataas pa na buwanang stipend na P1,000 ngayong taon.

Ang mga kwalipikadong makatanggap ng allowance ay dapat na 60 anyos pataas na mahina na o may karamdaman at walang pension na natatanggap mula sa gobyerno at private insurance companies.

Gayundin walang regular na pinagkukunan ng income o walang suportang natatanggap mula sa kanilang pamilya o kamag-anak para matustusan ang kanilang pangangailangan.